Sunday, January 04, 2015

Ikaw

Kay sarap balikan ng mga ala-ala,
Sa t’wing ikaw ay laging naaalintana.
Hugis ng iyong mukha ay hindi mawari,
Sa mga panahong tayo’y nananatili.

Hindi maintindihan ang siklab ng puso,
Sa ating mga damdamin na naglulukso.
Araw at gabi na walang humpay ang saya,
Tila ayaw nang matapos ang pagsasama.

Sinta ko, ang mapupungay mong mga mata,
Ay sapat na para saaking pagka-aba.
Ang iyong iba at matatamis na ngiti,
Ay kawangis ng tala sa dilim ng gabi.

Hindi man sumangayon ang tadhana sa atin,
Nandiyan ang tamang oras para tayo’y batiin.
Batid ko’ng malaman at sabihin sa iyo,
Pagmamahal ko ay wala pa rin’g nagbago.

Gaano man tayo katagal pagtagpuin,
Aking dasal, huwag sana akong biguin.
Mahagkan man kitang muli balang araw,
Pangako man, ang mamahalin lang ay ikaw.


About the Author:


Jeremiah Gabrielle Villanueva a.k.a. Jeremy is a Filipino sociologist. He graduated at the University of Santo Tomas where he obtained his degree in Sociology. He worked as an HR Associate at Convergys where he initiates phone and initial interviews and also responsible for payroll matters. A dreamer, A lawyer in the making, a goal digger and a writer who writes beyond fantasy and thinks farther than reality. An individual who treats lower class, middle class and upper class equally. He do believe in the saying, “To live a creative life, we must lose our fear of being wrong (Pearce, 1926)."


No comments:

Post a Comment