Sunday, February 01, 2015

Hashtag Single: Ampalaya No More



        Sa mga ateng bigo, nagmamartyr-martyran at sa mga girlalooong umaasa pang dumating ang araw na magiging crush din sila ng crush nila. Saan ka ba dyan? Well... well... well... Magwish nalang tayo sa wishing well. Sasamahan kita, magwiwish din ako. Anyway, tapos na naman ang Pasko pero nagyeyelong lamig parin and hatid ng hangin kaya't heto na naman ako't nagbabalik para maghanap ng karamay. Single ka? Single din ako! Apir! Damay- damay na 'to!! Nahahagip na ng radar ko ang pagiging ampalaya mo, ate! Sabi nga nila, ang Pebrero, para sa mga may malalamig na gabi ay Single Awareness Month. Malapit kana ulit maaware. Swear!
        Flowers here. Flowers there. Flowers everywhere. Sana allergic ka nalang para keri lang na hanggang tingin ka nalang. Chocolates? Meron nyan sa ref nyo. Bilis, hanap kana ngayon! Teddy Bears? Uso pa ba yun? Giant U pillow nalang o, para masarap ang tulog. Chos! Kidding aside, sinong niloloko mo? If I know, deep inside hoping ka parin na may magbigay sayo ng mga yun ngayong darating na Araw ng mga Puso. At mas happy kung galing sa inaasam- asam mong boylet. Pero kung hindi naman, never mind at tanggapin mo nalang din. Duh! Huwag ka nang masyadong choosy ate, i-instagram mo nalang with #Valentines, #FlowersxChocolates #HeartsMonth #Sweet #butyougottolovemeharder hahaha etc. etc. Kung wala naman, keribels lang yan! Smile lang kasi beautiful ka parin.
       Alam kong isa rin ito sa mga panahon na natatanong mo kung bakit hindi pa siya dumadating, kung bakit hindi pa pinagtatagpo ang mga landas ninyo. Hay, ang love nga naman. Pero di mo kailangang mag-inarte at ngumawa dahil single ka padin. Wala ka mang makakadate na special someone...don't you worry, pretty! I listed 7 things (oo seven lang paki mo, basahin mo nalang.) na pwede mong gawin ngayong darating na Valentine's Day/ Heart's Month/ Single Awareness Month (Paulit-ulit??). Dahil "It doesn't mean you're lonely when you're alone."

1.) Magliwaliw with friends.
              Gamitin na ang unlicall at unlitext at tipunin na ang mga kaibigan mong miyembro ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pebrero). Kesa mag-hibernate kayo at namnamin ang lamig ng pagiging single, bakit hindi nalang kayo magsama-sama at painitin ang supposed- to-be-lonely-nights ninyo sa pamamagitan ng maiinit nyong halakhakan? Makigulo sa mga couples na nagdedate o magbilang ng mga ate at kuyang magkaHHWW. Mas madami, mas maingay, mas masaya! Sabay sabay ninyong ipagdiwang ang pagiging malaya ninyo.
2.) Makipagdate kay boy-space-friend.
             Pwede nang psuedo-bf si boybff. Hindi man kayo talo o may lihim na malisya sa isa't isa masusurvive mo na ang Heart's Month with tagong kiligness and a happy heart. Makakatipid kapa dahil malaki ang chance na libre. Kung hindi, bigwasan mo! Hindi yan makaka-hindi.
3.) Ipamper ang sarili with girl friend.
           Time na ulit para magsama ang mga kikay! Matagal tagal na ba kayong hindi nagkikita? Mga 5 days? Miss niyo na ang isa't isa? Hiramin mo na siya sa jowa niya kahit isang araw lang. duh, kung taun-taon naman silang magkasama tuwing Valentines, ipagdadamot ka pa ba niya sa bff mo? I'm sure sawang sawa nayan sa isa't isa. Kaya ayain mo na si bru for a relaxing body massage, facial, mani-pedi o eyelash extension. (Earth calling *jowa ni bff*. Pahiram muna ako ng kaibigan ko ha.)
4.) Itreat ang Family.
          Kung wala ka namang malalandi sa araw ng mga puso at pinili ng mga kaibigan mong magmukmok, keri lang! Nandyan naman ang pamilya mo para damayan ka. Naiintindihan nila ang pinagdadaanan mo kung ikaw nalang ang may zero lovelife sa pamilya nyo. Kaya dahil dyan, ilibre mo nalang sila ng lunch or dinner kesa magdrama ka dyan. Matutuwa pa sila. Promise!
5.) Magpakitang gilas kay boss.
         Wala kang pasok? Pero wala ka rin namang date. Sus, keri lang yan. Mag OT ka para naman matapus-tapos ang mga kailangang tapusin sa opisina. May pasok? Mag OT ka parin! Pustahan tayo makakalimutan mo kung anong araw na sa dami ng nirurush mong papers. Pagdating mo sa bahay pagoda na ang beauty mo kaya itutulog mo nalang. Pag-gising mo Feb 15 na! diba? Baka maging masipag ka pa sa paningin ng boss mo!
6.) Maging kapaki-pakinabang.
          Aside from a surprise treat for your family, pwede mo ring isurprise ang mga taong kailangan ng pagkalinga ng pwede nilang ituring na pamilya. You and your friends (and family) can organize an event sa mga orphanages or home for the aged. Pwede ding magvolunteer sa mga NGO's. Malay mo, isang way na pala yan para makilala mo si Mr. Right na mahilig magturn left. hihihi Hindi kailangan na hintayin mo pa ang Pasko para magshare ng love. Kaya yang love na iyan sa puso mo para sa taong hindi naman kayang suklian iyan, ibahagi mo nalang sa mga taong kahit hindi mo kakilala ay alam mong makakaappreciate nito.
7.) Makipagdate kay *insert your name here*
         Imbes na maging ampalayers at magbitter-biteran, why not celebrate being with your one and only "self". Celebrate the freedom of being single. Magsimba, manuod ng sine at kaya kumain ng ice cream. O kaya itry na ang mga bagay na dati mo pang gustong gawin. Don't limit your capabilities dahil flying solo ka. Mas masarap lumipad ng walang pumipigil sayo at darating din ang tamang araw na sasabayan ka niyang lumipad (kung sino man siya!). But for now, fly and enjoy your freedom.
      There you go! There are so many ways to beat all the drama's and Valentine's Day Blues. Hindi kailangang damdamin ang pagiging single mo, kung mag-isa ka sa VDay. Kasi hindi ka nag-iisa, marami tayo! hahaha Happy Feb-ibig, everyone! :*



About the Author:
Raquel Rodriguez a.k.a. Destiny studied BSN at Our Lady of Fatima University. She is currently working as an accounting staff at Borland Development Corporation. She’s kind of timid but always wants to explore. She believes that she was made up of sugar, spice and a dash of weirdness. A dream chaser, a volunteer, a pastry chef wannabe and a little bit of this and that. She writes her heart out and shares the moments of her deep thoughts and the aches of her silence.