Friday, September 25, 2015

Bitiw


Marami akong gustong sabihin ngunit hindi alam kung saan maguumpisa.
Tulad ng saan ba patungo ang lahat ng ito?
Saan ba tayo dadalhin ng ating mga pusong walang ibang alam gawin kundi ang magmahal?
Bigla nalang bang maglalaho ito na parang bula? 
Iiwanan ako na wala man lang pasabi at lilimutin ang mga nangyari?
Pinipilit ko na mang intindihin.
 - Hindi, gusto kong intindihin.
 At iniintindi ko! Ngunit habang iniisip ng utak ko ay dinudurog din ang puso ko. 
Bakit ganito?
Kailan ba naging mahirap ang magmahal?
Bakit kailangang gawin mo ito sakin? 
Bulag kaba? O sadyang manhid kalang. 
O talagang pagmamahal mo'y puno ng kasinungalingan? 
Kasi ako mahal kita!
At natatakot na ako sa katotohanang iyon. 
Hindi ko alam kung saan ako babaling, para na akong mapapraning.
Kaya kung ito na nga ang huli, maari bang tuldukan na...
Nang ang mga sugat ay maghilom na? 
Kung ikaw ay bibitiw na, maaari bang ngayon na...
Habang ang mga alaala ay sariwa pa? 
-Na ang mga alaalang ito ay hindi mapalitan ng pagkamuhi at panlalamig. 
Habang maari pa kitang iukit sa lintik na pusong ito! 
Ang hiling ko lang ay ang katotohan. 
Sabihin mo sakin ang lahat saka ka magpaalam.
Pero kung hindi naman, nandito lang ako... 
Kung hindi naman, sabihin mong mahal mo ako.
Ako lang.
At kailan ma'y hindi bibitaw. 
Dahil kahit paulit ulit mo pa akong masaktan hinding hindi kita iiwan.








Raquel Rodriguez a.k.a. Destiny studied BSN at Our Lady of Fatima University. She is currently working as an accounting staff at Borland Development Corporation. She’s kind of timid but always wants to explore. She believes that she was made up of sugar, spice and a dash of weirdness. A dream chaser, a volunteer, a pastry chef wannabe and a little bit of this and that. She writes her heart out and shares the moments of her deep thoughts and the aches of her silence.





No comments:

Post a Comment